Sa mga lipunang industriyal kung saan nangingibabaw ang postmodern Superego, kung saan walang malinaw na big Other na nagdidikta kung ano ang dapat gawin, makikita ang pagsulpot ng mga refleksibong sabjek. Sa realidad, may dalawang mukha ang Other, ang isa ay ang Law na malinaw na nakikita, ang isa ay ang obscene Other na hindi nakikita pero ang dimensyong tunay na kumokontrol sa mga sabjek. Ang tingin ng mga ito, sa pagwasak nila sa authoritarian Father, ang tradisyunal na Superego, responsable na sila sa pagpili ng kanilang destinasyon, na may malaya silang akses sa Thing o absolutong jouissance, at kung gayon, wala nang makapipigil sa kanilang ipahayag ang sekswalidad, baguhin ang sarili at iekspres ang identidad. Sa halip na sabihing “No!”, inuudyukan pa ng obscene Superego ang mga sabjek na “You may, because you can!” at “Enjoy!” Ang mga nakikinig sa tawag na ito ng Superego ay ang mga pervert. Sa pag-aakalang ang pagtawid sa Tradisyon ang makapupuno sa desires nila, binibili nila ng ang mga inilalakong partial objet a ng obscene Other, na ang resulta lamang naman ay surplus-enjoyment o surplus jouissance. Resulta, lalo lamang na tinatali ng mga pervert ang sarili nila sa obscene Other na ito, dahil naghahangad pa sila ng dagdag na jouissance sa pag-aakalang ito ang “bubuo” sa kanila. Pero ang totoo, magiging “buo” lamang ang tao, maaangkin lamang nito ang absolutong jouissance sa dimensyon ng Real.
Mayroon din namang mga sabjek na hindi nakikinig sa Superego na ito, ang mga hysteric. Malinaw sa kanila na castrated sila kaya mas pinipili ang celibacy dahil naniniwala silang imposibleng mapunan ang desire nila sa pamamagitan ng sexual transgression, may desire sila na mamentenang hindi mapunan ang kanilang desire. Maaarin rin na pinaniniwalan pa rin kasi nila na buhay ang authoritarian Father, at ang Superego na ito ang pinakikinggan nila.
Ganito ang lohika ng kasalukuyang kapitalismo. Inilalako nito ang indibidwalismo at reflexivity sa pamamagitan ng obscene Other, ang postmodern Superego. Tingin ng mga sabjek, marami silang mapagpipilian; wala nang Tradisyon na pumipigil sa kanila na gawin ang gusto; inilalako ito bilang absolutong anyo ng jouissance. Ito rin, sa katunayan, ang taktika ng kilusang New Age, na ibinebenta ang nosyon na pwede kang maging “buo” muli, at ina-apropriapriate naman ng sistema ng kapitalismo. Lahat ng mga ito, dumudulo sa pulitika ng identidad, na ang binubunga lamang naman ay perversion pa lalo, at kung may resistances, maliliit lamang na kayang kayang saluhin ng dambuhalang sistema ng kapitalismo.